
Sama-sama nating ipagdiwang ang WORLD HEARING DAY ngayong Marso 2023!
Ang PGH Ear Unit ay mag-aalok ng LIBRENG HEARING TEST para sa mga empleyado, kawani, at mag-aaral ng UP Manila at Philippine General Hospital simula March 1, 2, 3, 8, 9, at 10.
Ang hearing test ay bukas para sa lahat ng taga-UPM at PGH, ngunit mas hinihikayat na magpa-test ang mga sumusunod:
– Kung kayo ay nahihirapan makinig sa TV, radyo, o habang nakikipag-usap sa iba
– Kung may nararamdamang ugong o paghuni sa tenga (ringing or buzzing in the ears)
– Kung parating exposed sa malakas na tunog (halimbawa madalas na paggamit ng earphones, pagtrabaho malapit sa construction o makinarya)
– Kung ang edad ay 60 pataas
Maaring i-scan ang QR code sa poster o i-click ang link para mag-register: bit.ly/upmfreehearingtest
Pagkatapos magregister, maghintay ng tawag para sa kumpirmasyon ng skedyul.
Tamang pangangalaga ng tenga at pandinig para sa lahat… Sama-sama natin itong isakatuparan!
#worldhearingday #hearingcare
Source: University of the Philippines Manila Facebook
You may choose not to have a unique web analytics cookie identification number assigned to your computer to avoid the aggregation and analysis of data collected on this website.
To make that choice, please click below to receive an opt-out cookie.