
Inaanyayahan ang buong komunidad ng UP Diliman sa ikatlong serye ng “Pelikomunidad” tampok ang pelikulang “Dukot” na idinerehe ni Joel Lamangan na gaganapin sa Disyembre 2, Sabado, 4 n.h.–7 n.g., sa UP Film Institute Film Center.
Ang “Pelikomunidad” ay bunga ng ugnayan at tamabalan ng Tag-ani Performing Arts Society, SELDA, Surian sa Sining, Hustisya, UP Cine Adarna, Opisina ng Rehente ng mga Mag-aaral, Desaparecidos, at Opisina ng Ugnayang Pangkomunidad (OCR), sa pakikipagtulungan ng Opisina ng Bise Tsanselor para sa Usaping Pangkomunidad.
Tumawag lamang sa OCR sa 8981–8627 para sa karagdagang impormasyon.
You may choose not to have a unique web analytics cookie identification number assigned to your computer to avoid the aggregation and analysis of data collected on this website.
To make that choice, please click below to receive an opt-out cookie.